SAN ANTONIO (AP) — Naisalpak ni DeMar DeRozan ang apat na free throw sa krusyal na sandali para sandigan ang San Antonio Spurs sa makapigil-hiningang 105- 100 panalo laban sa Golden State Warriors nitong Lunes (Martes sa Manila).

NAGLAMBITIN sa rim si Bradley Beal ng Washington

Wizards matapos ang dunk sa harap ng depensa ni

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Cristiano Felicio ng Chicago Bulls sa kaagahan ng

kanilang laro sa NBA. AP PHOTO

Nagsalansan si DeRozan ng kabuuang 21 puntos at 10 assists, habang kumana si Dejounte Murray ng 27 puntos, 10 rebounds at walong steals sa malaking panalo ng Spurs.

Nanguna si Stephen Curry sa Warriors sa naiskor na 32 puntos at kumana si Kelly Oubre Jr. ng 24 puntos sa Golden State, naglaro na wala ang injured center na sina rookie James Wiseman at Kevon Looney.

Nagpalitan ng three-pointer sina Murray at Curry sa huling 12 segundo bago naselyuhan ng Spurs ang panalo sa apat na free throws ni DeRozan.

WIZARDS 105, BULLS 101

Sa Chicago, hataw si Bradley Beal sa naiskor na 35 puntos sa panalo ng Washington Wizards kontra Chicago Bulls.

Naisalpak ni Beal, ang NBA’s leading scorer ngayong season, ang tatlong free throws sa huling 9.8 segundo para selyuhan ang panalo. Nanguna si Zach LaVine sa Chicago na may 35 puntos.

HORNETS 119, ROCKETS 94

Sa Charlotte, naitala ni rookie LaMelo Ball ang career-high seven 3-pointers para sa kabuuang 24 puntos, 10 assists at pitong rebounds, sa panalo ng Hornets kontra Houston Rockets.

Hataw din si Miles Bridges na may 19 puntos at 10 rebounds, habang tumipa si Gordon Hayward ng 19 puntos para sa Hornets.

Sa iba pang laro, ginapi ng Sacramento Kings, sa pangunguna nina De’Aaron Fox na may 36 puntos at Buddy Hield na may 22 puntos, ang Los Angeles Clippers, 113-110; tinalo ng Phoenix Suns ang Cleveland Cavaliers, 119-113; ginapi ng Toronto Raptors and Memphis Grizzlies 128- 113; naungusan ng Dallas Mavericks ang Minnesota Timberwolves, 127-122.