ni Anadolu

ANKARA – Magagawang mapabilis ng mayayamang bansa sa mundo ang pagsusuplay at pamamahagi ng bakuna laban sa novel coronavirus, lalo’t ang pagkabigo rito ay nangangahulugang paglalagay ng kanilang ekonomiya sa mas malalang sitwasyon kumpara sa mga naunang pag-aaral, ayon sa mga eksperto.

Sa pagtatangka ng mundo na makawala sa COVID-19 pandemic, nalagay ngayon sa sentro ang isyu ng bakuna para sa lahat.

Sa kabila ng pangako ng mga donor countries na aayuda sa global inoculation effort, nananatili ang kawalan-katiyakan hinggil sa kung kailan makaaabot ang bakuna sa mga pinakanganganib na populasyon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“No economy can bounce back fully until vaccines are distributed fairly, equally, quickly, affordably in every part of the world,” pahayag ni Sebnem Kalemli-Ozcan, professor ng economics at finance sa University of Maryland College Park. “No economy is safe until every economy is safe.”

Nabanggit ni Kalemli-Ozcan ang resulta ng isang pag-aaral kamakailan na kinomisyon ng International Chamber of Commerce (ICC) Research Foundation na gumawa ng “urgent economic case” para sa worldwide immunization.

“The big cost is still going to be on developing countries when only wealthier nations are getting vaccinated,” aniya.

Gayunman, binigyang-diin niya, na maaaring maging mas malala ang epekto sa ekonomiya sa mga advanced economies kung ang emerging markets ay “not sufficiently vaccinated is not at all small either.”

“So this is very important since we are talking about a USD4 trillion global cost and half of this is borne by advanced economies even if they can vaccinate all their citizens by the end of summer 2021,”aniya.

Pinakamalalang sitwasyon, sa pagpapalagay na wala ang bakuna, magdudulot ang lockdowns sa mga developing economies ng malaking supply production shock, na maaaring magdulot ng $9.2 trillion loss sa global economy, paliwanag ni Kalemli-Ozcan.

Nagbibigay ng suhestiyon ang economic modeling na ito sa mayayamang bansa, na bagamat mabigyan nila ng bakuna ang kanilang buong populasyon, maaaring maharap sila sa stagnation habang nagsisimulang bumangon kung mabibigo sila na makipag-ugnayan sa ibang mga bansa sa mundo.

Kaya naman, paliwanag niya, ang pagkawala na ito ay magpapaliit sa donor finances na kailangan upang makakuha ng bakuna para sa lahat, na higit pang magpapahina sa coordinated global approach para sa patas na distribusyon.

Increase vaccine supply ‘right now’

Ang gastos sa paglalaan para mapalakas ang global vaccination ay mas mababa ngayon kumpara sa magagastos ng advanced economies sa ilalim ng sitwasyon kung saan hindi nakapag-mass vaccinate ang mga papaunlad na bansa, ayon kay Kalemli-Ozcan.

Kung wala ang global cooperation, ipinapakita sa research na bibitbitin ng mayayamang bansa ang economic cost na nasa pagitan ng $203 billion at $5 trillion, depende sa tatag ng trade at international production network relations.

Dagdag pa niya, ang pigurang ito ay mas malaki kumpara sa unang pagtataya ng mga naunang pag-aaral. Ang mga bansang tulad ng Belgium, France, Germany, Netherlands, Norway, Switzerland, UK at US, ay maaaring mawalan ng hanggang 3.9 porsiyento ng kanilang GDP kaugnay ng mundo kung saan lahat ng bansa ay nabakunahan.

Bagamat binatikos niya ang kasalukuyang paraan ng mga pamahalaan sa pamamahala ng inoculation, nagbabala siya na ang pagbago sa daloy at pagtapyas sa vaccination campaign ng mga mayayamang bansa upang mabigyan ang ibang mga bansa ay isang problema rin.

“That’s not what we are saying, we are saying increase the supply, invest in manufacturing right now,” aniya. “There’s a fixed supply of vaccines right now. That’s the biggest problem.”

Ang hangarin ito ay nakaangkla sa Access to COVID-19 Tools (ACT) Accelerator, isang international scheme na pinamumunuan ng World Health Organization (WHO). Layon nitong maglaan sa development, purchase at delivery ng bakuna bago pa magsimula ang epekto ng non-immunization.

Ayon sa WHO, kritikal ang dagdag na pagpopondo upang masuportahan ang inisyatibong at mapagtagumpayan ito.

Nasa $6 billion na ang funding commitments para sa ACT-Accelerator, dagdag pa ang adisyunal na $4 billion sa projected funding. Gayunman, nananatili ang $27.2 billion funding gap na inaasahang mababawasan sa $23.2 billion kapag nagamit na ang projected funds.