ni Marivic Awitan

MULING namayagpag ang kahandaan ni Pinoy pole vault star EJ Obiena nang magwagi ng gintong medalya sa PSD Bank Indoor Meeting nitong Lunes sa Dortmund, Germany.

Naitala ni Obiena, naghahanda para sa pagsabak sa Tokyo Olympics sa Hulyo, ang 5.68 meters para maungusan ang karibal na sina Zernikel Oleg Makaraang i-set ang national record ng dalawang sunod at magwagi ng isang gold medal, muling kumopo ng isa pang gold ang Filipino Olympic bound pole vaulter na si EJ Obiena, nang magwagi ito sa PSD Bank Indoor Meeting sa Dortmund, Germany.

Nagtala ang Tokyo Olympics qualifier na si Obiena 5.68 meters upang maungusan ang naging pinakamahigpit na katunggaling German na si Zernikel Oleg ng ASV Landau. sa kanilang jump-off.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna nang nagtabla ang dalawa sa kanilang inirehistrong talon na 5.65 meter sapat para gawina ng jump- off.

Ito na ang ikalawang sunod na gold medal na napanalunan ni Obiena sa Germany events sa loob ng isang linggo. Nagwagi siya sa ISTAF Indoor meet sa Berlin kamakalawa kung saan naitala niya ang bagong Philippine record sa 5.80 meters. Tuluy-tuloy ang paghahanda ni Obiena sa ilalim ni Ukrainian coach at dating Olympic champion Vitaly Petrov sa kanilang training camp sa Formia, Italy para sa nakatakda nyang pagsabak sa darating na Tokyo Olympics sa Hulyo.