NAGWAGI si Arena Grandmaster Rowelyn "Kajoy" Joy Acedo sa katatapos na All Women's Invitational Elimination Round Blitz Chess Arena online chess tournament na ginanap via lichess.org nitong Linggo.

Si Acedo na tinulungan ang De La Salle University (DLSU) para makopo ang women's chess team gold medal at kasabay ng pagsukbit ng board 3 gold sa 2015-2016 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 78 chess competition ay umaasa sa kanyang experience para makopo ang titulo sa chessfest sponsored ni Euro Gaming Consultant/Sportsman Kim Zafra, board of director ng organizing Bayanihan Chess Club.

Si Acedo na ipinagmamalaki ng Davao City na hometown ni President Rodrigo Roa Duterte, ay nakalikom ng total 13 points sa 16 matches sa 17-player field ay nakatangap ng P2,000 cash prize sa 3 minutes plus 2 seconds increment time control format sa one-day event na suportado ng Palawan Queen's Gambit at MedPublika PCR Testing Machines sa pakikipagtulungan ng United Queens Chess Club, Deorico De Paz youtube channel, Cabuyao City Chess Club at ng Jolina Icao youtube channel.

Sa pagkapanalo sa elimination round ay mapapalaban si Acedo sa one-on-one match, P25,000 winner take all tournament sa Valentines day kung kaninuman kina Mr. Kim Zafra, Candidate Master Genghis Imperial o Asean Master Al Basher "Basty" Buto.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!