ni Ellalyn De Vera-Ruiz

Isang lindol na may lakas na 5.0-magnitude sa Richter scale ang yumanig sa Occidental Mindoro nitong Martes ng umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 5.0-magnitude na lindol dakong 7:24 ng umaga at natunton ang epicenter nito sa 58 kilometro timog-kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro.

Una itong nasukat bilang isang 4.8-magnitude na lindol.

Politics

Hanash ni Sen. Migz: Sen. Loren, future Senate President!

Naramdaman ng San Jose, Occidental Mindoro ang lindol na may katamtamang malakas sa Intensity IV. Na-detect rin ng instrumento ng Phivolcs ang pagyanig bilang isang lindol sa Intensity III sa San Jose; Intensity II sa Roxas, Oriental Mindoro at Sebaste, Antique; at Intensity I sa Jamindan, Capiz.

Ayon dito, ang lindol ay tectonic, na nangangahulugang ang panginginig ay sanhi ng paggalaw ng isang active fault sa lugar. Gayundin, mababaw ang lindol sa lalim ng 17 na kilometro, kaya’t ang malakas ang pagyanig.

Sinabi ng Phivolcs na malamang na mangyari ang mga aftershock.