ni Jhon Aldrin Casinas

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Davao del Sur kahapon ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs, ang pagyanig na dulot ng tectonic at may lalim na 15 kilometro ay naganap dakong 12:22 ng hapon.

Naitala ang epicenter nito sa layong 5 kilometro timogkanluran ng Magsaysay sa nasabing lalawigan.

Politics

Hanash ni Sen. Migz: Sen. Loren, future Senate President!

Naramdaman naman ang Intensity V sa Kidapawan City, Arakan, Carmen, Kabacan, Makilala at M’Lang sa North Cotabato; Koronadal City at Banga, South Cotabato; Matalam, Cotabato; Bansalan, Hagonoy, Magsaysay at Sta. Cruz, Davao del Sur.

Niyanig naman ng Intensity IV ang Davao City; Banisilan at Midsayap sa North Cotabato; Don Carlos ss Bukidnon; Polomok, Sto. Nino at Norala sa South Cotabato; Alabel, Kiamba at Malapatan sa Saranggani; Palimbang at Tacurong sa Sultan Kudarat.

Tumama naman ang Intensity III sa Cotabato City; Cagayan De Oro City; Kadingilan at Kitaotao sa Bukidnon; Tagum City sa Davao del Norte; Maco at Nabunturan sa Davao de Oro

Apektado naman ng Intensity II ang Cagayan de Oro City; Kalilangan sa Bukidnon; at Intensity I naman Bislig City sa Surigao Del Sur.

Nagbabala naman ang Phivolcs sa posibleng aftershocks nito.