MATAPOS maitala ang 10 straight wins, ang Laguna Heroes team ay umakyat sa solo 3rd ng gibain ang Cordova Dagami Warriors, 16-5, sa pagsisimula ang 2nd phase ng elimination round kung saan ang koponan ng North ay nakipagtagisan ng talino sa koponan naman ng South nitong Sabado sa online tournament sa lichess platform.
Ang Laguna Heroes na binubuo ng mga woodpushers na sina two-time Asian Junior Champion Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr., Fide Master Austin Jacob Literatus, Woman National Master Jean Karen Enriquez, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Grandmaster John Paul Gomez, Vince Angelo Medina, Kimuel Aaron Lorenzo, Candidate Master Arjie Bayangat at Team Owner-Playing Coach Arena Grandmaster Dr. Alfredo “Fred” Paez ay naging matataga hanggang sa huli para talunin ang determinadong Dagami Warriors.
Dahil sa natamong panalo, ang Laguna ay nakaukit na ng 11-2 win-loss record sa Northern Division ng PCAP All- Filipino Cup habang nalaglag naman ang Cordova sa 6-7 sa Southern Division. “We have been treating each round like a championship round,” sabi ni Team Owner-Playing Coach Arena Grandmaster Dr. Alfredo “Fred” Paez.
Sa Blitz portion kontra sa Dagami Warriors, maganda na sinimulan ng Heroes ang laro via 4-3 close decision matapos mag marka ng panalo sina FM Literatus, GM Gomez, Medina at Bayangat.
Subalit nagmistulang pahirap sa Dagami Warrios sa Rapid game ng manalo sina FM Literatus, WNM Enriquez, GM Gomez, Medina at Lorenzo kontra kina Allan Pason, Woman International Master Bernadette Galas, Rex Androe Cabuncal, Francisco Rivera at Dione Patrick Minoza, ayon sa pagkakasunod.
Ang Laguna Heroes na binubuo din nina engr. Jonathan Mamaril, Mr. Benjamin Dy at Mr. David Nithyananthan ay winasiwas din ang Cebu City Machers, 20-1.