BUKOD sa problemang pangkalusugang dala ng COVID-19 pandemic, nahaharap ang bansa sa iba pang problema, na karamihan ay may kaugnayan sa ekonomiya ng bansa at sa pangunahing pangangailangan na kabuhayan para sa mga tao.
Nagsimula nang humupa ang pandemya sa ating bansa, sa malaking tulong ng pagpapatupad ng pamahalaan ng restriksyon na naglilimita sa pakikisalamuha ng mga tao sa isa’t isa na nagbibigay daan upang makalipat ang virus mula sa isang tao patungo sa isa sa pamamagitan ng aerosols sa hininga ng apektadong tao.
Mapabibilis ng vaccination ang proseso ng pagpuksa sa panganib. Ngunit karamihan ng limitadong suplay ng bakuna sa mundo ay nakuha na ng mayayamang bansa. Magsisimula pa lamang makatanggap ngayong buwan ang Pilipinas, sa tulong ng World Health Organization, ngunit hindi malaking bilang ito. Sa ating 110 milyong populasyon, marami sa ating mga kababayan ang malamang na makatanggap ng bakunang proteksyon sa susunod na taon pa.
Sa ngayon, kailangang magpatuloy ang proseso ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa. Kinakailangan nang muling magbukas ang mga nagsarang industriya at mga negosyo, upang makabalik na sa trabaho ang milyon-milyong tao na nawalan ng kanilang hanapbuhay nitong nakaraang taon.
Ang problema ng pagkakaloob ng kabuhayan para sa ating mga tao, sa kasamaang-palad, ay lumala pa ngayong taon sa malaking pagtaas ng lakas-paggawa ng bansa, dulot ng nakatakdang pagtatapos sa 2022 ng unang batch ng mga estudyante sa ilalim ng programang K-12 education program, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Biyernes.
Nagsalita siya sa paglulunsad ng isang National Employment Recovery Strategy Task Force, na layong lumikha ng opurtunidad na trabaho sa panahong ito ng pandemya. Kabilang sa task force ang mga opistyal ng pangunahing ahensiya ng pamahalaan—ang departments of labor and employment, trade and industry, transportation, tourism, budget and management—kasama ang education, interior and local government, social welfare and development, science and technology, at technical education and skills development.
Pagtutuunan ng task force ang paglikha ng trabaho. Ilan ang itatatag sa loob ng istruktura ng pamahalaan, ngunit malaking bahagi ng pagsisikap ay mapupunta sa pagsuporta sa mga nananatili at umuusbong na mga pribadong negosyo.
“We are looking forward to a stronger engagement with our shareholders in the private business sector, labor and employer groups, so that as one, we heal, recover, and enjoy the fruits of a recharged and reinvigorated labor market,” ani Labor Secretary Silvestre Bello III.
Umaasa tayo sa aksiyon ng nasabing task force. Sa pangkalahatang pagsisikap para sa pagbangon ng bansa, nagsisikap ang pamahalaan na buhangin ang pambansang ekonomiya.
Ngunit ngayon naglunsad ito ng isang espesyal na programa na tutuon sa pangangailanga ng mga tao, partikular sa kanilang basikong pangangailangan sa trabaho at kabuhayan.