ni Leandro Alborote

TARLAC CITY – Napatay ang isang pinaghihinalaang drug pusher nang makipagbarilan umano sa pulisya sa Bgy. Sinait sa nasabing lungsod, kahapon.

Sa ulat kay Tarlac Police chief, Lt. Col. Alex M. Apolonio, napatay sa engkuwentro si Jay San Juan, nasa hustong gulang, nasa drug watchlist ng Tarlac Police Provincial Office na kumikilos sa lunsod at kalapit munisipalidad.

Ang kasamahan nito na inaalam pa ang pangalan ay sinasabing aktibo sa pagbebenta ng mataas na uring shabu ay nakatakas,sakay ng isang motorsiklo.

Politics

Hanash ni Sen. Migz: Sen. Loren, future Senate President!

Bago naganap ang madugong engkuwentro ay nagsagawa ng buy-bust operation ang Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU ) kung saan ay nagkunwang buyer si Police Executive Master Sergeant Marlon Sanchez.

Nang mahalata na pulis ang katransaksyon, agad umanong nagbunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang nasabing alagad ng batas hanggang sa magkaroon ng sagupaan na ikinamatay ng suspek.

Narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo ng bala ng Cal. 38 revolver at 9mm pistol illegal drugs