mula sa Anadolu

NAUNGUSAN na ng breast cancer ang sakit na lung cancer bilang most common form ng sakit sa buong mundo, inihayag ng isang World Health Organization (WHO) expert, kamakailan.

“The cancer burden is significant and increasing. In 2020, the number of people diagnosed with cancer globally reached 19.3 million, and the number of people dying, increased to 10 million,” pagbabahagi ni Dr. Andre Ilbawi, technical officer sa WHO Cancer Control unit, kasabay ng pagdiriwang ng World Cancer Day.

Aniya, ang pinakamalaki at malamang na nagtutulak sa pagtaas ng kabuuang bilang ng kaso ay ang paglago ng populasyon, pagbuti ng life expectancy at pamamahala ng ibang sakit.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa pagtaas ng life expectancy, tumataas ang panganib ng cancer, aniya.

Binigyang-diin din ni Ilbawi na nakaapekto rin ng malaki ang nagpapatuloy na COVID-19 pandemic sa paggamot ng cancer at iba pang sakit.

Aniya, sa mga survey lumalabas na 50 porsiyento ng mga pamahalaan ang pansamantala o tuluyang itinigil ang cancer services dahil sa pandemya.

“Delays in diagnosis are common. Interruptions in therapy or abandonment have increased significantly,” giit niya.

Maaari rin, aniya, itong makaapekto sa kabuuang bilang ng pagkamatay sa sakit na cancer sa mga susunod na taon.

“Healthcare professionals have been under great stress to deliver services, and there are significant reductions in research and clinical trial enrolment. To state it simply, the consequences of the pandemic on cancer control efforts have been profound,” ani Ilbawi.

Dagdag pa niya, ipinapakita sa datos na sa unang pagkakataon, ang breast cancer na sumasakop sa 11.7 porsiyento ng kaso ng cancer, ngayon ang bumubuo sa pinakakaraniwang kaso ng sakit sa mundo, kasunod ang lung cancer (11.4 porsiyento), na dating nangungunang kaso ng sakit.

Apektado ng novel coronavirus ang “unspecified number of countries of all income levels,” bagamat ilang mas mayayamang bansa ang epektibong napigil ang epekto ng pandemya.

Kabilang dito ang Netherlands, kung saan napabilis ng mga espesyal na programa ang access sa cancer diagnosis at treatment para sa may mga sintomas, ayon sa WHO doctor.

“But still 60-70 percent of cancer cases and deaths are already occurring in low and middle-income countries,” giit ni Ilbawi. “So, we know projecting forward that this will reach a proportional level, and most of the cases will continue to arise in those settings.”