HINDI pa laos ang tumbok ng Pinoy sa international 9-ball tournament.

Dalawang titulo ang napasakamay ni two-time world champion Dennis Orcollo ng pagbidahan ang One Pocket at 10-Ball sa Michael Montgomery Memorial Tournament kamakailan sa Snookered Billiards and Bar sa Frisco, Texas.

Hindi nakalasap ng kabiguan si Orcollo para masikwat ang korona sa One Pocket kung saan tinalo nito sa championship round si Corey Deuel ng Amerika sa finals sa pamamagitan ng 4-3 iskor.

Mula sa 3-0 paghahabol nagpatatag ang tinaguriang Robocop ng Philippine billiards para masungkit ang titulo. Naitabla niya ang iskor sa 3-3 bago tuluyang dinomina ang karibal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa 10-Ball event, kabilang sa kanyang pinatalsik sina Tony Top (7-5), Scott Frost (7-3) at kababayang si James Aranas (7-6) bago yumuko kay Shane Van Boening (2-7).

Sa losers’ column, rumesbak si Orcollo nang igupo nito ang katropang si Jeffrey De Luna sa do-or-die semis (6-4) para maisaayos ang muling pagtutuos kay Van Boening.