MADAGASCAR (AFP) — Kinilala ng mga siyentista ang Earth’s smallest known reptile, kasabay ng babala na ang matagal na pagkasira ng mga kagubatan sa hilagang Madagascar ay nagbabanta sa kaligtasan nito.

Brookesia nana

Napakaliit upang dumapo nang kumportable sa isang daliri, ang ultra-compact chameleon - na tinaguriang Brookesia nana - ay may parehong sukat at expression ng mas malalaki nitong pinsan sa buong mundo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“We discovered it in the mountains of northern of Madagascar,” sinabi ni Frank Glaw, curator ng herpetology sa Bavarian State Collection of Zoology, sa AFP sa isang panayam.

Ang isang magkasanib na ekspedisyon noong 2012 ng mga siyentista ng German at Malagasy scientists ay hindi alam kung ang dalawang mga specimen na nakolekta - isang babae at isang lalaki - ay nasa hustong gulang hanggang sa kalaunan, ipinaliwanag niya.

“We found out that the female had eggs in her body, and that the male had large genitals, so it was clear that they were adults.”

Sobrang laki ng genitals, na tinatayang halos 20 porsyento ng laki ng katawan nito, iniulat ni Glaw at mga kasamahan sa journal na Scientific Reports.

Ang katawan ng lalaki - halos kasinlaki ng mani - ay 13.5 millimeter ang haba (kalahating pulgada), kasama ang buntot na nagdaragdag ng siyam na millimeter.

Ang babae ay may sukat na 29 mm mula sa ilong nito hanggang sa dulo ng buntot.

Ang pares ay mananatiling tanging mga specimens ng species na natagpuan.

Ang mga isla na nakakonekta matagal nang panahon sa mga kalapit na kontinente ay kilala sa mga maliliit na bersyon ng mga hayop na tumawid sa ephemeral land bridges, isang kababalaghang kilala bilang “island dwarfism”.

“There are numerous extremely miniaturised vertebrates in Madagascar, including the smallest primates and some of the smallest frogs in the world,” sinabi ng co-author na si Andolalao Rakotoarison ng University of Antananarivo sa Madagascar.

Ngunit ang “island effect” ay hindi nalalapat sa B. nana, na eksklusibo nakatira sa mga mabundok na rehiyon mga 1,300 metro (4,200 talampakan) above sea level, pagtapos ng mga mananaliksik.

“We have no good explanation as to why this species is so small,” sinabi ni Glaw.

Ang alam ng mga siyentista ay ang mga maliit na reptiles ay malamang na nasa bingit ng pagkalipol, kahit na ang International Union for the Conservation for Nature (IUCN) - mga tagapangalaga ng Red List ng mga nanganganib na species - ay hindi pa makakagawa ng pagtatasa.

“Habitat destruction is the biggest threat to the amphibians and reptiles of Madagascar,” sinabi ni Glaw.

“Maybe in the future it will be climate change, but for now it is deforestation.”

Ang Madagascar ay isang pandaigdigang “biodiversity hotspot” na kanlungan ng limang porsyento ng mga natatanging species ng halaman at hayop sa buong mundo.