ni Vanne Elaine P. Terrazola

Hindi rin natuwa si Senador Panfilo Lacson sa paraan ng pagbanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa subway project ng gobyerno, sinabi nito na nagpakita ito ng kayabangan at kamangmangan.

“’Manigas kayong lahat!’ Arrogance and ignorance do not only rhyme. They are roommates in one brain cell,” ipinost ni Lacson sa Twitter nitong Pebrero 6.

Sinabi ni Roque noong Biyernes sa mga kritiko ni Pangulong Duterte na “manigas kayo” habang ipinagyabang na ang administrasyon ay gumagawa ng kasaysayan para sa pagpapasimula ng unang subway ng Pilipinas.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“The President has many critics and they will stop until they regain power. Let today’s event be recorded in the annals of Philippine history as another first of the Duterte administration. And to his critics, I have only this to say: Manigas kayong lahat,” sinabi ni Roque sa isang talumpati sa idinaos na program para pagdating ng Cutter Head ng “Kaunlaran’, ang unang Tunnel Boring Machines para sa partial operability ng underground railway system. Gayunpaman, ang pahayag ay hindi ikinatuwa ng maraming netizen at personalidad, na nakikita itong hindi kinakailangan.

“This is so unnecessary and uncalled for. A little humility and magnanimity from pubilc servants won’t hurt,” tweet din ng broadcast journalist na si Karen Davila nitong Biyernes