NAKAUNGOS ang Cavite Spartans kontra sa Antipolo Cobras, 2-1, sa rescheduled Armageddon para mapagpatuloy ang kanilang pananalasa sa All Filipino Conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) sa battle ng Northern Division nitong Biyernes sa online tournament sa lichess platform.

Matapos ang 10.5-all tie sa regulation, nagwagi ang Spartans sa Cobras sa lower boards tiebreaker rounds tungo sa 5 wins at 5 loses.

Ipinakita ni Kevin Arquero ang husay sa brilliance end game at naka ambang mama mate si United States Master Rodolfo “Jun” Panopio Jr. sa kanilang Board 2 clash para mapuwersa ang huli na mag-resign bago maitulak ang checkmate sa 55 moves ng Trompovsky Opening.

Sa isang banda ay dinaig ni Ricky Batcho si Mc Daniel Ebao matapos ang 45 moves ng Caro-Kann defense sa kanilang Board 3 ecounter.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakalusot naman si United States Master Jose “Jojo” Aquino Jr. kontra kay International Master Petronio Roca matapos ang 27 moves ng Semi-Slav defense sa kanilang top board match para makaiwas ang Cobras sa prevent a possible shut-out loss.

“We hope we can maintain the momentum.” sabi ni coach Ederwin Estavillo.

Ang Spartans na suportado nina Rep. Jon-Jon A. Ferrer, Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso O. Panga at ng Skin Magical Dist4 ,CARSIGMA Cavite ay galing sa twin wins kontra sa Cagayan Kings, 12.5-8.5, at sa Isabela Knight Raiders, 12-9, nitong Miyerkoles.