TULOY ang dominasyon ni Filipina tennis sensation at Globe ambassador Alex Eala sa mas beteranong karibal nang pabagsakin si Silvia Ambrosio ng Germany, 7-6 (3), 1-6, 6-3, nitong Huwebes para makausad sa quarterfinals ng 3rd leg ng Rafael Nadal Academy International Tennis Federation (ITF) World Tennis Tournament sa Manacor, Spain.
Nagpakatatag ang 15-anyos sa larong umabot ng halos tatlong oras para gapiin ang karibal na nagpatalsik sa tournament top seed Margot Yerolymos ng France sa opening round.
Naghabol sa 3-5 sa opening set, kumikig si Eala at nagawang maipuwersa ang tiebreak na kanyang nakamit 7-6 (3).
Naagaw naman ng 24-anyos German ang momentum sa second set para madala ang laro sa final at third set.
Kinuha ni Eala ang 4-0 bentahe sa decider at hindi na hinayaang makabawi ang karibal na ranked 1,125th sa Women’s Tennis Association (WTA) at 586th sa ITF.
Nauna nang ginapi ni Earlier ang hometown favorite na si Ana Lantigua de la Nuez sa straight sets 6-0, 6-2 sa opening round.
Target ni Eala, Globe Ambassador mula pa noong 2013, ang ikalawang singles title sa ITF.
Sunod na makakaharap ni Eala si Oksana Selekhmeteva ng Russia para sa semifinals spot.