mula sa Agence France Presse
Bumuweltaang mga kilalang tao ng India nitong Miyerkules sa pop superstar na si Rihanna at sa climate activist na si Greta Thunberg para sa mga puna sa social media tungkol sa mga protesta ng mga magsasaka.
Habang ang gobyerno at mga magsasaka ay nagpapatigasa sa kani-kanilang posisyon sa dalawang buwang nang iringan kaugnay sa mga bagong batas sa agrikultura, binanatan ng sporting legend na si Sachin Tendulkar at ng ilang Bollywood stars ang tinawag ng foreign ministry na “sensationalist” na mga komento sa Twitter.
Rihanna, na mayroong mahigit 100 milyong mga tagasunod sa Twitter, ay sumulat ng “why aren’t we talking about this?!”, na may isang link sa isang balita tungkol sa isang blackout sa internet sa protest camps kung saan libu-libo mga magsasaka ang nagkakampo mula noong Nobyembre .
Mahigit sa isang milyong tao ang nag-retweet, nag-like o nagkomento sa kanyang Tweet. Ang Swedish climate activist na si Greta Thunberg ay nag-tweet din ng isang kwento tungkol sa blackout, na nagsasabing: “We stand in solidarity with the #FarmersProtest in India.” Si Meena Harris, pamangking babae ni US Vice President Kamala Harris - na ang ina ay ipinanganak sa India - ay nagdagdag ng kanyang suporta.
Ang celebrity tweets ay nag-trigger ng isang online na bagyo sa India, kung saan ang mga protesta ay naging pinakamalaking hamon sa nasyonalistang Hindu na si Prime Minister Narendra Modi mula nang maupo sa kapangyarihan noong 2014.
Sagutan sa Twitter
“The temptation of sensationalist social media hashtags and comments, especially when resorted to by celebrities and others, is neither accurate nor responsible,” sinabi ng foreign ministry.
Si Tendulkar, cricket’s highest scoring international, ang namuno sa Twitter sa mga kilalang tao ng India.
“India’s sovereignty cannot be compromised. External forces can be spectators but not participants,” sabi niya.
Tinawag ng Bollywood actress na si Kangana Ranaut, tagasuporta ni Modi, ang mga nagpoprotestang magsasaka na “terrorists” at Rihanna na “fool”.
Sumali sa pagtatalo ang mga aktor at directors na sina Anupam Kher, Akshay Kumar, Suniel Shetty at Karan Johar laban sa “foreigners”. Nang maglaon ay nagbanta ang gobyerno sa Twitter ng “penal action” para sa pag-unlock ng 250 account at mga tweet sa mga protesta ng mga magsasaka na na-block ng US company. Ginawa ng Twitter ang paunang aksyon kasunod ng paunawa ng gobyerno, ngunit nabaligtad ang pangyayari makalipas ang ilang oras.
Kabilang sa mga account na na-target ay isang kilalang magazine ng balita at iba pa na naka-link sa mga unyon ng magsasaka.
Sinabi ng Electronics and IT ministry na ang Twitter ay “unilaterally” unblocked ang accounts at content at ito ay “obliged” na sundin ang mga kautusan ng gobyerno. “Refusal to do so will invite penal action.”
Sinabi ng isang senior ministry official sa AFP na target ng blocking order ang content na may hashtag “#ModiPlanningFarmerGenocide” at hindi ang general comments tungkol sa mga protesta