ni Bert de Guzman

Naghain si dating House Spealer Alan Peter Cayetano (Taguig-Pateros) at mga kaalyado ng isang panukalang batas na naglalayong magkaloob ng dagdag na cash assistance sa mga pamilya, kahit itinigil na ang pagpapalawig sa pagkakaloob ng ayuda habang unti-unting binubuksan ang ekonomiya.

Sa panukala na tinawag na Bangon Pamilyang Pilipino (BPP), ang mga pamilya na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay tatanggap ng one-time cash aid o minsanang ayuda na P1,500 per head o P10,000, o kung alin ang mas mataas.

“Assistance to our countrymen is still needed to help them survive and get back on their feet amidst the pandemic while a viable vaccine program for all Filipinos is being rolled out by the government,” anang dating House speaker at mga alyado sa paghahain ng House Bill No. 8597.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Ang pinakamahirap sa mga mahihirap, senior citizens, persons with disabilities, solo parents, displaced, retrenched o separated workers, frontline medical workers, mga pamilya overseas Filipino workers, sinumang hindi nakakakuha ng tulong pinansyal sa anumang social amelioration program (DAP) ng pamahalaan ay uunahin sa ilalim ng naturang panukalang batas.