Matapos ang halos 10 buwan na walang putulan ng supply ng tubig, sinimulan na ng Manila Water Company ang paniningil sa mga customer na hindi pa nakapagbayad ng kanilang water bill.
Kasunod ito ng kanilang ipinadalang notice of disconnection sa kanilang consumers mula noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Kinumpirma ni Manola Water spokesman Jeric Sevilla, maramoi na silang naputulan ng supply ng tubig nitong Enero dahil sa kabiguang makipag-ugnayan sa kanilang customer center.
Gayunman, sakaling wala pa ring kakayahan ang mga consumer na magbayad ay maaari pa rin aniya silang pagbigyan.
Aniya, kinakailangan lamang na magtungo ang mga ito sa tanggapan ng Manila Water Company at pipirma sa promisory note para sa kailang installment basis.