ni Alexandria Dennise San Juan
Nakatakdang ilunsad ng Department of Tourism (DOT) ngayong Abril ang Green Corridor Initiative (CGI) sa Laguna na naglalayong mapalakas ang ekonomiya at matulungan ang muling pagsisimula ng mga aktibidad sa turismo sa rehiyon ng Calabarzon sa panahon ng “new normal.”
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang pagpapaunlad ng green corridors ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng biodiversity ng rehiyon, pagpapabuti ng kalidad sa kapaligiran, pag-aalok ng mga oportunidad sa katatagan sa ekonomiya, pagprotekta sa pamana at kultura, at pagsuporta sa pagsipa ng ekonomiya para sa pagbawi ng turismo.
“The creation of travel corridors has been a key component in the resumption of tourism in some of the country’s destinations. We are confident that the same principle can be applied in Laguna,” sinabi ni Puyat sa kanyang dalawang araw na pagbisita sa Laguna nitong linggo upang masuri ang kahandaan ng lalawigan na magbukas muli para sa turismo.
Ang GCI ay ang pangunahing programa sa bansa ng DOT Region 4A na nakatakdang ilunsad sa Abril upang pasiglahin ang pagbawi at pagtugon sa turismo.
Sa kanyang pananatili sa probinsya, pinangunahan din ni Puyat ang pagpapatunay ng Dona Leonila Park sa Sampaloc Lake at Casa San Pablo na nasa ilalim ng panukalang Laguna tourism circuit ng GCI kasama ang Tayak Nature, Adventure and Wildlife (TANAW) Park sa Rizal, Nagcarlan Underground Cemetery, at ang mga tsinelas making demonstration sa Liliw.
“Laguna is blessed to have many open-air, nature and culture-based tourism products that Filipinos would like to experience when traveling amidst the pandemic. And best of all, Laguna can be accessed quickly and conveniently from Metro Manila through land travel, which is the most ideal way for Filipinos to travel in the current situation,” sinabi ni Puyat.
“There is great potential for the tourism sector in this province to rebound and recover,” dagdag niya.
Habang ang mga patnubay sa pagpapatakbo para sa GCI ay pinaplantsa pa rin, sinabi ng Tourism chief na ang mga natukoy na produktong turismo ay ibabatay sa kanilang kahandaan at kalidad, na ginagabayan ng mga pamantayan sa pag-unlad sa ilalim ng National Tourism Development Plan (NTDP) 2016–2022 at ang Tourism Rapid Assessment (TRA).
Gagamitin din ang participatory approach sa pagtukoy ng areas of development sa proyekto na isasama ang paggawa ng QR-coded GREENCard para sa pre-registration procedures at cashless na transaksyon sa mga establisimiyento ng turismo.
“The technology will be able to assess the carrying capacity of identified tourism sites and attractions. In effect, domestic tourists will easily be informed about tourist flows using this digital platform, which will alert them whenever the chosen tourism site is already available to accept tourists,” paliwanag ni Puyat.
Ang mga kalahok na local government unit (LGUs) ng Laguna ay nagsagawa na ng resolusyon ng suporta at pakikilahok sa proyekto, kasama na ang isang pinagsamang resolusyon upang i-endorso ang GCI sa pamamagitan ng Sangguniang Panlungsod, sinabi ng DOT.
Bukod sa resolusyon, kailangang magtatag din ang mga LGU ng isang Green Corridor Task Force (CGTF) na bubuuin ng mga kinauukulang opisyal ng lalawigan, munisipalidad, at lungsod sa ilalim ng patnubay ng DOT Region 4A upang pangasiwaan ang operasyon at pamamahala ng travel clusters