ni Marivic Awitan

NANATILI ang pagkilala ng International Basketball Federation (FIBA) sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 bilang partner para sa sport dito sa Pilipinas kasunod ng matagumpay na inaugural professional tournament nila noong nakaraang taon na idinaos sa isang bubble sa Laguna.

Pinuri ni FIBA 3X3 chief Ignacio Soriano ang tatlong taong liga na pinamumunuan ni Bounty Agro Ventures Inc. president Ronald Mascariñas at nagbigay daan upang makalikom.ng puntos ang mga manlalaro ng bansa at mag qualify sa Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Mayo 26 - 30 sa Graz, Austria.

“Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 has been a key partner of Fiba for the development of 3×3 in the Philippines over the past years,” ani Soriano. “It’s a pro league that has generated so much activity and ranking points for the Philippines, that it has played a significant role in bringing the country to the brink of the Olympics at the FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagdaos din ang liga ng tatlong local conferences noong nakaraang taon na nagsilbing qualifiers sa ilang mga FIBA 3X3 pro circuit events.

Nagsilbi ding host ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 sa unang FIBA 3X3 Super Quest at Challenger tournament.

Kaugnay nito, nangako naman si Mascariñas na patuloy na tutulong sa FIBA 3X3 para mahikayat ang mas marami pang Pinoy upang naglaro ng 3x3.

“For 2021 and beyond, we will continue with what we are doing. Of course, there will be a lot of new faces in our league but the mission remains the same which is to prove that our athletes can compete with the world’s best,” ani Mascariñas.