TULUYANG nagbunga ang sakripisyo at pagpupunyagi ni Pinay tennis phenom Alex Eala.

Sa pinakabagong world ranking na inilabas ng Womens Tennis Association (WTA) nitong Lunes, pumasok sa Top 1,000 ang 15-anyos Globe Ambassador halos dalawang linggo matapos ang magkasunod na impresibong kampanya sa International Tennis Federation (ITF) sanctioned Raffy Nadal World Tour sa Mallorca, Spain.

Tangan ni Eala ang ranked No. 942, may 248 rank na itinalon matapos ang makasaysayang panalo sa first leg ng US$15,000 Singles circuit kung saan nakakuha siya ng 17 puntos. Sa second leg kamakailan, umabot sa quarterfinals ang pamosong Pinay junior standout.

“It’s a long journey ahead and I will need to keep on working hard!” pahayag ni Eala sa kanyang Facebook post.

Sino si Jaeger Tanco na anak ng bilyonaryong nasa likod umano ng pagpapakalat ng fake news laban kay VP Sara

Sa nakalipas na torneo, tinalo ni Eala sina Yvonne Cavalle Reimers (ranked 491 in the WTA) sa championship match para tanghaling unang Pinay na naging kampeon sa ITF tournament. Nanaig din siya sa matitikas na karibal tulad ni Seone Mendez (WTA No. 283).

Si Eala ay anak ng dating national athlete na si Rizza Maniego.

Ang WTA rankings ay binabase sa resulta ng mga laro sa loob ng 52 linggo. Kailangan makakuha ng puntos ang isang player sa tatlong torneo na lalahukan para makahirit ng ranking points.