ni Marivic Awitan
ISASAGA ang Women’s National Basketball League (WNBL) ang draft para sa kanilang inaugural season bilang isang professional league sa Pebrero 7.
Isasagawa ang draft sa pamamagitan ng isang virtual conference kung saan magsisimula ang mga koponan na magbuo ng kani-kanilang mga line-ups.
Magkakaroon ng palabunutan upang malaman ang magiging order of draft o pagkakasunud-sunod ng kanilang pagpili na nakatakdang isiwalat sa Martes kasabay ng paglalabas ng opisyal na talaan ng mga draftees.
Naantala ang pagdaraos ng draft dahil sa mga quarantine restrictions, ayon kay WNBL executive vice president Rhose Montreal.
“We are very careful now that we are a pro league already,” wika ni Montreal. “We are really very careful on this because the financial capability of the team really matters [in] ensuring that players will be compensated well and commitment to the players will be delivered on time.”
Batay sa panuntunan ng liga, puwedeng gamitin ng mga koponan ang ‘protect six’ rule kung saan dorekta nilang papipirmahin ang player na hindi na kailangang dumaan sa draft.
Nitong Disyembre, idinaos ng WNBL ang una nilang draft combine sa Victoria Sports Center sa Quezon City kung saan napili ang mga draft hopefuls.