Isa na namang mananaya na taga-Bataan ang naging instant milyonaryo matapos na manalo ng P7.8 milyong jackpot sa lotto nitong Sabado ng gabi.

Kinumpirma ni PCSO General Manager Royina Garma, ang nasabing lotto winner ay taga-Morong, Bataan na nagwagi ng P7,800,424.40 na jackpot mula sa Regular Lotto 6/42 draw nito, nitong Enero 30.

Sa paabiso ng PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 22-18-16-20-13-30 kaya’t naiuwi nito ang naturang premyo.

Kaugnay nito, mayroon namang 43 bettors ang nakahula ng tig-limang tamang numero at nakapag-uwi ng second prize na tig-P24,000 bawat isa.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Sa ngayon, aabot na sa 10 lucky bettor ang biglang naging milyonaryo sa nakalipas na dalawang buwan dahil sa lotto.