ni Jun Fabon

Bumaba na ang presyo ng karneng baboy sa kabila ng kakapusan ng supply nito.

Ito ang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar at sinabing hindi na umano tataas pa ang presyo ng nasabing produkto.

Ibinatay aniya nila ang presyo sa isinagawang pagbabantay ng ahensya sa mga pangunahing pamilihan sa Metro Manila.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa ngayon aniya, naglalaro mula P330.00 hanggang P350.00 ang presyo ng kada kilo ng baboy mula dating P400 bawat kilo nito.

Aminado ang opisyal na tumaas ang presyo nito sa Luzon bunsod na rin ng malawakang epekto ng African Swine Fever (ASF).

Aniya, nakipag-ugnayan na ang ahensya sa Department of Transportation (DoTr) at Maritime Industry Authority (MARINA) para sa shipping lines para sa libreng pagbiyahe ng mga produktong karne.

Sa usapin ng ASF, bibili na umano ang DA ng rapid test kits para sa ASF at ibibigay ito sa mga local government unit (LGU) upang mapaigting ang pagbabantay nila kontra ASF.