ni Danny Estacio

BAY, Laguna – Binaril at napatay ang isang barangay chairman ng apat na hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng dalawang motorsiklo sa Bgy. Tranca sa nasabing bayan, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arnold Martinez, 54, punong barangay sa naturang lugar.

Si Martinez ay nagsasagawa lamang ng ocular inspection sa road widening project sa kanyang nasasakupan sa diversion road ng Bay-Sto. Tomas, sa FT San Luis Avenue, kasama ang mga barangay tanod nang maganap ang insidente, dakong 9:20 ng umaga, ayon kay Staff Sergeant Reden Cadsawan.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Bigla na lamang aniyang dumating ang dalawang motorsiklo na sakay ang apat na lalaki na lumapit sa biktima bago pinagbabaril.

Tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo patungo sa direksyon ng Sto. Tomas, Batangas.

Dead on arrival sa ospital ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.