Pistons, sablay sa duwelo vs GS Warriors
SAN FRANCISCO (AP) — Tuloy ang bagsak ng three-point sa career ni Stephen Curry.
Hataw ang two-time MVP sa naiskor na 28 puntos, tampok ang anim na 3-pointers, para sandigan ang Golden State Warriors sa impresibong 118-91 panalo kontra Detroit Pistons nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Nag-ambag si Kelly Oubre Jr. ng 18 puntos para sa Warriors.
Kumana si Curry ng 11 for 17, kabilang ang 6 of 8 from deep, para patuloy na maabot ang marka sa all-time three-point shot made na kasalukuyan waka ng retirado ng si Ray Allen. Kamakailan, nalagpsan ni Curry sa No.2 ang pamoso rin at Hall-of-Famer na si Reggie Miller.
“I thought we were on edge in a good way,” sambit ni Warriors coach Steve Kerr. “The other night we were embarrassed. We got away from who we are.”
Nanguna si Jerami Grant sa Detroit na may 18 puntos, habang tumipa si Josh Jackson ng 17.
LAKERS 96, CELTICS 95
Sa Boston, nalusutan ng Los Angeles Lakers, sa pangunguna ng nagbabalik-aksiyon na si Anthony Davis na kuman ng 27 puntos at 14 rebounds, ang Celtics.
Hataw din si LeBron James na may 21 puntos, pitong rebounds at pitong assists, habang nag-ambag si Montrezl Harrell ng 16 puntos para sa Laker.
Nanguna si Jayson Tatum sa Boston na may 30 puntos at siyam na rebounds.
HORNETS 126, BUCKS 114
Sa Charlotte, naitala ni rookie LaMelo Ball ang career-high 27 puntos at siyam na assists, sa panalo ng Hornets sa Milwaukee Bucks.
Kumana si Gordon Hayward ng 27 puntos, habang tumipa si Malik Monk ng 18 puntos at umiskor si Cody Zeller ng career-best 15 rebounds.
HEAT 105, KINGS 104
Sa Miami, tumipa si Jimmy Butler ng season-high 30 puntos, tampok ang go-ahead layup sa huling 42.1 segundo para sandigan ang Heat kontra Sacramento Kings.,
Ito ang unang laro ni Butler matapos ang 10 araw na quarantine bunsod ng paglabag sa protocol at natuldukan ang losing skid ng Miami sa lima.
Nagsalansan si Bam Adebayo ng 18 puntos at 13 rebounds, habang tumipa sina Tyler Herro ng 15 at Duncan Robinson na may 14.
Sa iba pang laro, naisalpak ni Damian Lillard ang fadeaway 3-pointer sa buzzer para maiangat ang Portland Trail Blazers sa 123-122 panalo kontra Chicago Bull. Tumapos si Lillard na may 44 puntos.