Ni JHON ALDRIN CASINAS

Lalo pa tumindi ang naramdamang lamig sa Baguio City, kahapon.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 6:00 ng umaga nang maitala ang 9.4 degrees Celsius sa lungsod dahil na dulot na rin ng amihan o northeast monsoon na patuloy na umiiral sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ito na ang pinamababang temperaturang naitala sa summer capital ng Pilipinas ngayong taon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Binanggit ng PAGASA, nagsimulang maramdaman ang matinding lamig sa lungsod nitong nakaraang linggo nang maitala ang 11 hanggang 22 degrees Celsius.

Nitong Enero 9, bumagsak din ang temperature sa lugar matapos na maitala ang 10.4 degrees Celsius.

Sa kasaysayan ng Baguio, huling naitala ang pinakamalamig na klima nito nang maramdaman ang 6.3 degrees Celsius noong Enero 18, 1961.