NAKIKIPAG-USAP na si Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Mon Fernandez sa Philippine Olympic Committee (POC) hinggil sa posibilidad na makapag-ensayo na ang mga national athletes na sasabak sa darating na Vietnam Southeast Asian Games.

“As the CDM (chef de mission) and a PSC commissioner, I am as interested as everyone for our teams to resume formal training and we are working on it,” wika ni Fernandez.

Nagsimula ng magbalik sa training ang mga atleta ng apat na sports discipline sa gitna ng problema sa COVID-19 pandemic para makapaghanda sa kanilang lalahukang kompetisyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna nang nagbalik sa training ang national men’s basketball team na mas kilala ngayon.bilang Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Kasunod ng men’s basketball team, nagsasanay na rin sa loob ng isang bubble ang mga atleta ng karatedo, taekwondo at boxing para naman sa kanilang pakikipagsapalaran na mag-qualify para sa Tokyo Olympics.

Ayon kay Fernandez, ang pagsasanay para sa Olympic qualifiers ang syang pangunahing pinagtutunan nila ngayon ng pansin.k

Ayon kay PSC national training director Marc Velasco, kinakailangan ding bubble set-up ang mga susunod na training.

“We want to field a competitive team for all scheduled games. We know how important it is to resume formal training. However, we also find ourselves in unique times at the moment and we work on what we can and are allowed to do,” dagdag nito.

-Marivic Awitan