HINDI blockbuster bagkus one-sided ang tingin ng ilang sports analysts sa naganap na trade sa pagitan ng San Miguel Beer at Terrafirma kung saan ipinamigay ng huli ang dating Rookie of the Year at star player sa koponan na nangunguna sa PBA dahil sa lalim ng bench.
“PBA teams will do everything to win. That’s inherent in competition. It’s up to the PBA to ensure propriety in trades that are supposed to achieve that goal while keeping league integrity. Now those that have no intention of winning championships have no business being in the PBA,” pahayag ni dating PBA Commissioner at veteran sportscaster Noli Eala sa kanyang mensahe sa Twitter ilang oras matapos mailabas ang balita.
Kapalit ni Perez, miyembro ng Gilas Pilipinas at isa sa pinakamainit na player ngayon sa liga, ang mga bangkuan ng Beermen na sina Matt Ganuelas Rosser, Gelo Alolino at Russel Escoto, gayundin sa Karapatan para sa 2021 PBA Annual Rookie Draft.
Kasalukuyang nasa Calamba City, Laguna si Perez at nagti-training kasama ng Gilas Pilipinas pool para sa FIBA Asia Cup qualifiers sa susunod na buwan.
Iginiit ng mga opisyal ng Terrfirma na selyado na ang trade, ngunit hindi pa daw umano ito naaprubahan ng PBA Commissioners Office ayon kay Commissioner Willie Marcial.
Sa kabila ng Karapatan ng mga team owners sa isyu ng trade, may kapangyarihan si Marcial na harangin ito higit at makakaapekto sa balance ng mga koponan sa liga.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sumabak sa kontrobersyal na trade ang Terrafirma. Noong 2017, isinuko nito ang No.1 right sa drafting sa Beermen.