WASHINGTON (AP) — Masidhi ang pagnanais ng magkabilang panig na magwagi at hindi magpabalahibo sa isa’t isa.

NAKAKUHA ng foul si Rudy Gobert ng Utah Jazz sa isang tagpo ng kanilang laro. AP PHOTO

Ang resulta? Siyam na technical fouls at ejection ang naitawag ng referees sa dikdikan at maaksiyong duwelo na pinagwagihan ng Atlanta Hawks kontra Washington Wizards, 116-100, nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napatalsik sa laro sina Wizards star Russell Westbrook at Hawks guard Rajon Rondo sa laro na pinangunahan ni Trae Young na kumana ng 41 puntos.

“Just need to stay focused,” pahayag ni Atlanta forward Danilo Gallinari. “Personally I don’t have all that energy to spend on technicals and talking to refs and stuff.”

Kumana si Westbrook ng 26 puntos, gayundin ang teammate at NBA season scoring leader Brandon Beal, ngunit hindi niya nakontrol ang sarili sa mainitang pakikipagtalo at labanan sa bola kay Rondo na nagresulta sa kanilang pagkakatalsik sa laro,

“I can’t allow myself to stoop down to anybody’s level. It’s not my character,” sambit ng one-time NBA MVP na si Westbrook. “I take full responsibility with all of that. I don’t agree with the second tech, but that’s neither here nor there.”

SIXERS 118, WOLVES 94

Sa Minneapolis, kumana si Joel Embiid ng 37 puntos at 11 rebounds sa panalo ng Philadelphia 76ers laban sa Minnesota Timberwolves.

Nag-ambag si Tobias Harris ng 17 puntos at 11 rebounds para sa 76ers (14-6), para tuluyang ibaon sa ilalim ng team standings angkaribal.

NETS 147, THUNDER 125

Sa Oklahoma City, hataw sina James Harden at Kyrie Irving ng tig-25 puntos para sandigan ang Brooklyn Nets kontra Oklahoma City Thunder.

Muling ipinahinga si Kevin Durant para mabantayan ang pinagagaling na injury, ngunit walang problema sa Nets.

Ayon kay Nets coach Steve Nash pinoprotektahan niya si Durant, ang kasalukuyang No. 2 scorer, na mahigit isang taong napahinga dahil sa injury sa achilles na natamo niya sa 2018 Finals.

Kumubra si Theo Maledon, ang 19-anyos rookie, ng 24 puntos para sa Thunder.

Sa iba pang laro, nahila ng Utah Jazz ang winning streak sa 11 ang gapiin ang Dallas Mavericks, 120-101.

Nanguna si Bojan Bogdanovic sa naiskor na 32 puntos.