PHOENIX (AP) -- Naputol ng Phoenix Suns ang three-game losing skid nang tuldukan ang two-game winning streak ng Golden State Warriors, 114-93, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Nanguna si Mikal Bridges sa Suns (9-8) na may 20 puntos, habang tumipa si Deandre Ayton ng 12 puntos at 13 rebounds. Sumabak ang Suns na wala ang star-player na si Booker na may pinagagaling na injury.
CLIPPERS 109, HEAT 105
Sa Miami, nagpakatatag ang Los Angeles Clippers para maipuwersa ang panalo laban sa matikas na Miami Heat.
Kumana si Nicolas Batum ng 18 puntos, habang kumana si Lou Williams ng 17 puntos sa Clippers, sumabak sa ikalawang sunod na pagkakataon na wala sina Kawhi Leonard at Paul George bilang pagtalima sa virus protocols ng liga, habang nagpapagaling sa injury si Patrick Beverley.
PISTONS 107, LAKERS 92
Sa Detroit, sinamantala ng Pistons, ang ‘di paglalaro ni Anthony Davis bunsod ng injury, para hiyain ang Los Angeles Lakers .
Nanguna si Blake Griffin sa Pistons na may 23 puntos.
Kumana si LeBron James ng 22 puntos at 10 assists.
Sa iba pang laro, pinasabog ng Houston Rockets ang Portland Trail Blazers, 104-101.