Ang Covid19 ay maaaring makapinsala sa kalidad ng sperm at mabawasan ang fertility ng mga kalalakihan, ayon sa isang bagong pag-aaral batay sa experimental evidence.

Ang viral na sakit ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng pagkamatay ng sperm cell, pamamaga at ng tinatawag na oxidative stress, , iniulat ng mga mananaliksik nitong Biyernes sa journal na Reproduction. “These findings provide the first direct experimental evidence that the male reproductive system could be targeted and damaged by Covid-19,” konklusyon ng mga may-akda.

Gayunpaman, sinabi ng mga dalubhasa na nagkomento sa pagsasaliksik, na ang kapasidad ng virus na ikompromiso ang fertility sa mga kalalakihan ay mananatiling hindi napatunayan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang Covid-19 ay nagdudulot ng sakit sa paghinga, lalo na sa mga matatandang tao at mga may umiiral na mga problemang medikal.

Ang mundo ay nagtala ng mahigit 100 milyong kumpirmadong mga kaso mula noong lumitaw ang sakit sa gitnang China sa pagtatapos ng 2019.

Naihahawa sa pamamagitan ng respiratory droplets, inaatake ng sakit ang baga, bato, bituka at puso. Maaari rin itong mahawahan ang mga lalaki na reproductive organ, pinapahina ang sperm cell development at nakakagambala sa mga reproductive hormone, ipinakita ng naunang mga pag-aaral. Ang mga parehong receptor na ginagamit ng virus upang mapasok ang tisyu ng baga ay matatagpuan din sa mga testicle.

Ngunit ang mga epekto ng virus sa kakayahan ng mga kalalakihan na magparami ay nanatiling hindi malinaw. Sina Behzad Hajizadeh Maleki at Bakhtyar Tartibian mula sa Justus-Liebig-University sa Germany ay naghanap ng mga biological marker na maaaring magpahiwatig ng isang negatibong epekto sa fertility. Sa mga pasyente ng Covid-19, ang mga sperm cell ay nagpakita ng isang makabuluhang pagtaas ng mga marker ng pamamaga at stress ng oxidative, isang chemical imbalance na maaaring makapinsala sa DNA at mga protina sa katawan.

“These effects on sperm cells are associated with lower sperm quality and reduced fertility potential,” sinabi ni Maleki sa isang pahayag.

“Although these effects tended to improve over time, they remained significantly and abnormally higher in the Covid-19 patients.” Mas malala ang sakit, mas malaki ang mga pagbabago, idinagdag niya.

Ang male reproductive system “should be considered a vulnerable route of Covid-19 infection and declared a high-risk organ by the World Health Organisation,” sinabi ni Maleki.

Tinatanggap ng mga dalubhasa na hindi kasangkot sa pag-aaral ang pagsasaliksik, ngunit nagbabala na higit pa ang kailangan bago maghimok ng matibay at mabilis na konklusyon.

AFP