WASHINGTON (AFP) - Matapos ang apat na taong paglalandi ni Donald Trump kay Russian President Vladimir Putin, nagtatakda si Joe Biden ng bago, mas malamig na tono - hindi mapalagay na pagbatikos, sa kabila ng pagiging bukas sa arms control.

Sa kanyang unang linggo ay pinuna na ni Biden ang Moscow sa pag-aresto sa pinuno ng oposisyon na si Alexei Navalny pati na rin ang sinasabing hacking, pakikialam nito sa halalan at mga bigay sa mga pabuya sa tropang US - ngunit mabilis din na kumilos upang palawigin ang New START, ang huling natitirang kasunduan sa pagbawas ng nukleyar ng mga kapangyarihan ng panahon ng Cold War.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang diskarte ni Biden ay halos kabaligtaran ni Trump, na masayang nagsalita tungkol kay Putin ngunit ang administrasyon ay sumira sa mga kasunduan sa armas. Ang bagong secretary of state, Antony Blinken, sa kanyang unang news conference ay pinuri si Navalny, ang masugid na kritiko ni Putin na ang pagkalason at pagkatapos ay inaresto sa kanyang pagbabalik sa Moscow ay nagbigay inspirasyon sa libu-libo na magtungo sa mga lansangan.

“It remains striking to me how concerned, and maybe even scared, the Russian government seems to be of one man -- Mr. Navalny,” sinabi ni Blinken nitong Miyerkules -- malayo kayn Trump noong 2016 na natuwan na si Putin ay naging “very nice to me.”