Nakikiusap kahapon ang Malacañang sa publiko na huwag nang punahin ang mga larawan sa social media na nagpapakita ng paglabag sa ipinaiiral na quarantine kaugnay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ang reaksyon ni Presidential spokesman Harry Roque kasunod nang naaning pagbatikos kay Baguio Mayor Benjamin Magalong at sa celebrity na si Tim Yap dahil sa pagdalo sa isang party sa lungsod, kahit ito ay paglabag sa mass gathering protocols.

Pinayuhan ni Roque ang publiko na maging mahinahon sa pagkokomento sa nasabing usapin dahil ipatutupad sa lahat ang pantay-pantay na batas.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Pinayuhan ni Roque ang publiko na pag-aralan muna ang lahat ng aspeto bago akusahan ang gobyerno na pinalulusot ang mayayaman at matataas na opisyal ng pamahalaan sa paglabag sa quarantine measures.

“Always distinguish between GCQ (general community quarantine) and MGCQ (modified general community quarantine),” sabi pa nito.

-Argyll Cyrus Geducos