ZAMBOANGA CITY – Napatay ng pulisya at militar ang isang pulis na umano’y kilalang supporter ng Dawlah Islamiyah-Abu Sayyaf Group (DI-ASG) at kaanak ni DI-ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan sa isang operasyon sa Bgy. Mampang ng nasabing lungsod, nitong Miyerkules.

Kinilala ni Zamboanga Peninsula Police (PRO-9) Director Brig. Gen. Ronaldo Genaro Ylagan, ang suspek na si Staff Sergeant Jamiri Hawang Abraham, nakatalaga sa City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Zambonga City Police Office (ZCPO).

Isinagawa aniya ang pinagsanib na operasyon ng pulisya at militar matapos na makatanggap ng impormasyon na magsasagawa ng kalupitan ang grupo ni Sawadjaan sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi (ZAMBASULTA) area.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa report, ipatutupad na sana ng tropa ng gobyerno ang search warrant nang bigla umano silang paputukan ni Abraham kaya nakipagbarilan ang mga ito, dakong 4:15 ng madaling araw

Sinabi ng pulisya, si Abaham at tubong Bgy. Latih, Patikul, Sulu at nakatala sa 2019 Periodic Status Report (PSR) on Financing Terrorism.

Binanggit ng pulisya, ang Patikul ay kuta ng DI-ASG sa Sulu.

Paliwanag pa ng pulisya, si Abraham ay nakatalaga sa

Sulu Provincial Police Office mula 2004-2018. Pinsan din umano ito ni ASG-sub leader Ben Quirino, alyas Ben Tatoh at ng napatay na si ASG sub leader Muammar Askali.

Bukod dito, sinabi ni Ylagan na sangkot din umano si Abraham sa

kidnapping activities ng ASG at tumulong sa negosasyon para sa kalayaan ng mga biktima ng kidnapping sa Sulu, kapalit ng ransom.

Nasamsam ng pulisya ang isang Cal. 45 pistol; isang Cal. 9mm pistol, magazine na may kargang bala; mga sangkap ng Improvise explosive Device (IED) at isang M16 Armalite rifle.

-NONOY LACSON