WARSAW (AFP) — Ang isang kontrobersyal na desisyon sa korte ng Poland na nagpapataw ng halos-lubusang pagbabawal sa pagpapalaglag ay magkakaroon ng bisa sa Miyerkules, sinabi ng right-wing government ng bansa, sa isang anunsyo na nagdala ng libu-libo sa mga lansangan.
Ang hakbang ay nangangahulugang ang lahat ng mga pagpapalaglag sa Poland ay ipagbabawal maliban sa mga kaso ng panggagahasa at incest at kung ang buhay o kalusugan ng ina ay itinuturing na nasa panganib.
“The ruling will be published today in the Journal of Laws,” sinabi ng gobyerno san Twitter.
Nagsindi ang mga nagpoprotesta sa kabisera ng Warsaw ng mga pulang apoy, iwinagayway ang mga bandilang bahaghari at mga placard na may nakasulat na “This Means War” at “Free Choice, Not Terror”.
Mayroong mga katulad na protesta sa buong Poland, sinuway ang mga paghihigpit sa coronavirus na nagbabawal sa mga pagtitipon.
Ang bansa ay niyanig ng napakalaking demonstrasyon nang unang ipalabas ang hatol ng Constitutional Court noong Oktubre, kasunod ng kahilingan ng mga miyembro ng governing ultra-Catholic Law and Justice party (PiS).
Sinabi ng desisyon noong Oktubre 22 na ang aborsiyob sa mga kaso ng foetal abnormalities ay “hindi tugma” sa konstitusyon