HINARANG ni dating Philippine Olympic Committee (POC) chairman at weightlifting president Monico Puentevella ang pagbibigay ng probitionary membership sa Philippine National Volleyball Federation, Inc. (PNVF) na pinamumunuan ni Ramon ‘Tatz’ Suzara.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nina Puentevella at POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa naging pananaw ng dating Bacolod Congressman sa ginanap na virtual POC General Assembly nitong Miyerkoles, higit nang maungkat ang kabiguan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation (PHISSCOG) na maliquidate ang mahigit P1 bilyon pondo na ginasta para sa hosting ng SEA Games nitong 2019.

Si Suzara ang tumayong presidente at chief executive officer ng grupo, habang co-member sina Tolentino at Taguig Rep. Peter Cayetano.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“If you allow this personality (Suzara) to join us, we will be the laughingstock of sports loving people,” pahayag ni Puentevella.

Sa kabila nito, nanaig ang boto ng nakararami at nabigyan ng probationary membership ang PNVFI at inalis bilang miyembro ang matagal nang recognized na Philippine Volleyball Federation (PVF) at pansamantalang ipinalit dito na Larong Volleyball ng Pilipinas (LVPI).

Ikinalungkot naman ni PVF president Edgardo “Tito Boy’ Cantada ang ginawa ng POC Assembly na aniya’y tahasang pagyurak sa by-laws and constitution bunsod ng hindi pagsunod sa ‘due process’.

“Without hearing our side. Walang ni ho, ni ha. Walang proper investigation para naman nadinig ang aming hinaing. Nakakahiya,” pahayag ni Cantada.

Igininit ni Cantada na ipaglalaban niya ang karapatan ng PVF sa FIVB na aniya’y patuloy na kumikilala sa kanilang organisasyon.

-Marivic Awitan