HINDI maitatatwa ang malaking iniluwag ng daloy ng trapiko sa makasaysayang Epifanio Delos Santos Avenue o mas kilala bilang EDSA, nang opisyal na buksan para magamit ng publiko ang Skyway Stage 3 project (Skyway 3) noong Enero 14, 2021.
Ang Skyway 3 ay elevated highway na nagdurugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX). Naging alternatibo itong daanan ng mga motorista kaya’t malaking porsiyento ng mga sasakyan ang nabawas sa makasaysayang highway.
Umulan ng paghanga at papuri nang bumilis ang daloy ng trapiko sa EDSA. Maraming motorista ang natuwa at umaasa na magtuluy-tuloy na ito. Karamihan ay nananalanging ‘di na sana magkaaberya ang Skyway 3 upang manatiling maluwag ang trapiko sa ibang kalsada sa buong Metro Manila.
Ito naman ang siste, bigla akong nabuwisit nang maglabasan sa social media ang mga fake news – siguradong fake dahil makailang ulit ko na itong ni-research – na ang matagumpay raw na proyektong ito ay naumpisahan noon pang Marcos Administration. Grabe ang daming views, share at comments ng mga posts -- pero pwede ba, please lang…kayu-kayo na lang ang maglokohan ‘wag nyo na kaming idamay!
For the record – ang proyektong Skyway ay mula sa natatanging pananaw ng isang engineer na naging pangulo ng bansa – opo INHINYERO at hindi isang abugado – si Fidel “Tabako” Ramos noong taong 1994 matapos niyang pirmahan ang Republic Act 7718, na nag-aamiyenda sa B-O-T law na nagbigay daan sa malalaking infrastructure project, kasama na rito ang South Metro Manila Skyway (SMMS) Project.
Ang SMMS Project ay may apat na bahagi – Una ang 9.5 km Buendia-Bicutan elevated tollway at ang rehabilitation ng Magallanes-Alabang section ng SLEX na ginawa noong Abril 7, 1995. Sumunod ang Skyway Toll Plazas Aat B sa Buendia at Magallanes sa Makati, at ang Bicutan Exits na natapos noong Oktubre 1999. Panahon ni Pangulong Erap ang ribbon cutting nito. Panahon naman ni dating Pangulong Noynoy Aquino naumpisahan ang Skyway 3 – umabot lamang sa 11% ang natapos dito -- na naunsiyaming matuloy dahil sa mga naging problema sa “right-of-way” at ang malaking sunog na naganap sa Pandacan Depot.
Dito pumasok na naman ang utak ng isang ENGINEER, sa katauhan ni Ramon S. Ang (RSA), pangulo at COO ng San Miguel Corporation (SMC), na nagtuloy at tumapos sa nabinbing proyekto ng LODI niyang si “Tabako” na kapwa niya rin “math wizard”. Kaya sa pagtutulungan ng kasalukuyang administrasyon at ni RSA, ang Skyway 3 ay pansamantalang binuksan noong Disyembre 29, 2020 -- at tuluyan nang binuksan sa publiko noong Enero 14, 2021. Sa kabila ng kahirapang dinaranas sa buong bansa dahil sa pananalasa ng COVID-19, pinilit ni RSAna maipatapos ang proyektong ito, na sa kanyang pananaw ay makatutulong ng malaki – bilyones kasi ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa trapiko -- upang maiangat ang nakalugmok nating bansa.
Ani RSA: “As the country looks forward to recover from a crisis, this commitment has not wavered. San Miguel is fully committed to helping our country overcome this crisis. Abig part of that is to continue, and not hold back, on new investments.”
Pero siyempre, ang mga paghanga at papuring inaani ng matagumpay na proyektong ito ay palaging ibinabalik ni RSAsa LODI niyang tinatanaw na nagbukas ng kanyang isipan upang pasukin ang mga ganitong proyekto na ang makikinabang ay ang sambayanang Pilipino.
Sabi ni RSAkay “Tabako”: “Sir, you are one of a kind who comes only once in our lifetime and we Filipinos are fortunate to have a leader and a statesman like you who continue to guide this nation.”
Oh ‘di ba – iba talaga ang pananaw naming mga Engineer?
Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]
-Dave M. Veridiano, E.E.