Naubos ang mga gulay sa Balintawak Market sa Quezon City na nagmula pa sa Gitnang Luzon matapos na dagsain ng mga mamimili dahil sa pagbagsak ng presyo nito.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Asst. Secretary Kristine Evangelista, nasimot ang mga gulay na pang-pakbet nang

dumating sa nasabing pamilihan ang supply nito mula pa sa Region 3, nitong Martes ng gabi.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa price monitoring ng DA, P65 lamang ang kada kilo ng ampalaya kumpara sa P100 sa ibang pamilihan habang ang sitaw naman ay nasa P30 kada kilo, P65 bawat kilo ng talong, P70 bawat kilo ng kalabasa at P40 kada kilo ng pechay.

Nasa P80 naman ang bawat kilo ng cabbage, P90 ang carrots habang P210 lamang ang bawat kilo ng siling labuyo kumpara sa P900 ng kada kilo sa ibang pamilihan.

Kamakalawa, dumating ang aabot sa 80 metriko toneladang gulay mula Central Luzon kung saan mismong ang DA ang nag-asikaso upang madala ito sa Metro Manila.

-Jun Fabon