Ang “Doomsday Clock” na naglalarawan ng mga panganib na nakaharap sa planeta at sangkatauhan ay mananatili sa 100 segundo hanggang hatinggabi ngayong taon sa gitna ng mga banta ng coronavirus pandemya, nuclear war at climate change.

“The hands of the Doomsday Clock remain at 100 seconds to midnight, as close to midnight as ever,” sinabi ni Rachel Bronson, president ng Bulletin of the Atomic Scientists, sa isang pahayag.

“The lethal and fear-inspiring Covid-19 pandemic serves as a historic ‘wake-up call,’ a vivid illustration that national governments and international organizations are unprepared to manage the truly civilization-ending threats of nuclear weapons and climate change,” ani Bronson.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang desisyon sa pagtatakda ng mga kamay ng orasan ay kinuha ng mga miyembro ng lupon mula sa Bulletin of the Atomic Scientists, na itinatag noong 1945 nina Albert Einstein at mga siyentipiko ng University of Chicago na tumulong sa pagbuo ng mga unang atomic weapons sa buong mundo.

Ang mga miyembro ng lupon ay may kasamang 13 mga Nobel laureate.

Nilikha noong 1947, ang orasan ay lumipat sa 100 segundo hanggang hatinggabi noong Enero ng nakaraang taon - ang pinakamalapit sa hatinggabi sa kasaysayan nito.

Orihinal na itinakda ito ng pitong minuto hanggang hatinggabi. Ang pinakamalayo na kamay nito mula hatinggabi ay 17 minuto, kasunod ng pagtatapos ng Cold War noong 1991.

Sinabi ni dating California governor Jerry Brown, executive chair ng Bulletin of the Atomic Scientists, na panahon na “to eliminate nuclear weapons, not build more of them.

“Likewise, with climate change: the US, China and other big countries must get serious about cutting lethal carbon emissions -– now,” wika ni Brown.

Sinabi ni Susan Solomon, professor ng environmental studies sa Massachusetts Institute of Technology (MIT), na “the pandemic-related economic slowdown temporarily reduced the carbon dioxide emissions that cause global warming.

“But over the coming decade fossil fuel use needs to decline precipitously if the worst effects of climate change are to be avoided,” sinabi ni Solomon.

Ayon naman kay dating Liberian president Ellen Johnson Sirleaf ang Covid-19 pandemic “is a terrible warning against complacency in the face of global threats to all human life.

“It is only through collective action and responsible leadership that we can secure a peaceful and habitable planet for future generations,” aniya.

Inirekomenda ng mga miyembro ng Bulletin na palawigin ng United States at Russia ang New START nuclear treaty at bumalik ang US sa nuclear deal sa Iran.

Hinimok din nila ang mga gobyerno, higante ng teknolohiya at mga organisasyon ng media na makipagtulungan sa paghahanap ng “practical and ethical ways to combat internet-enabled misinformation and disinformation.”

Agence France Presse