Sino ang papasok sa isipan kapag nabanggit ang mga pelikulang Vizconde Massacre, Delia Maga, Annabelle Huggins Story, Maggie De la Riva at Jacqueline Comes Home? Walang iba kundi si Carlo J. Caparas.
Ang mega couple na sina Carlo J. At yumaongDonna Villaang nagsimula ng trend sa paggawa ng massacre films. Naging tatak ni Carlo ang pagsuot ng sumbrero. Generous at matulungin ang mag-asawa. Naging kontrobersyal si Carlo nang hiranging National Artist sa naambag niya sa movie industry.
Nang pagsawaan ang massacre movies ay parang nawalan na siya ng interes magdirek. And with the untimely death of Donna naglahong lalo ang kanyang drive to direct. Sa huling ulat ay sa Cebu na madalas mamalagi si Carlo.
Kung buhay pa si Donna malamang na hikayatin niya si Carlo na isapelikula ang lifestory ng flight attendant na si Christine Dacera, at mabigyan ng hustisya ang kamatayan nito.
-REMY UMEREZ