SAN FRANCISCO (AP) — Ratsada si Stephen Curry sa naiskor na 36 puntos, tampok ang pitong 3-pointers, habang tumipa si Andrew Wiggins ng 23 puntos para sandigan ang Golden State Warriors laban sa dating koponan na Minnesota Timberwolves, 130-108 nitong Lunes (Martes sa Manila).

NAKUHA ni Stephen Curry ang bola sa isang tagpo ng laro ng Golden State laban sa Minnesota Wolves. AP

NAKUHA ni Stephen Curry ang bola sa isang tagpo ng laro ng Golden State laban sa Minnesota Wolves. AP

Nanguna sa Wolves si Malik Beasley na may 30 puntos, tampok ang apat na 3-pointer.

Nahila ni Curry ang career 3-pointer sa 2,569 matapos lagpasan si Reggie Miller sa No.2 spot. Nangunguna si Ray Allen na may 2,973.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

LAKERS 115, CAVALIERS 108

Sa Cleveland, balik sa Hollywood ang Lakers kipkip ang dominanteng marka sa road game.

Ratsada si LeBron James sa naiskor na 46 puntos, tampok ang 21 sa final period para sandigan ang Los Angeles Lakers sa 115-108 panalo sa Cleveland Cavaliers nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nagsalansan si Anthony Davis ng 17 puntos pata tulungan ang defending NBA champions sa 10-0 karta sa road game.

CELTICS 119, BULLS 103

Sa Chicago, itinumba ng Boston Celtics, sa pangunguna ni Jaylen Brown na kumana ng 26 puntos, ang Bulls.

Nag-ambag si Jayson Tatum ng 24 puntos sa pagbabalik aksiyon matapos ang limang larong pahinga bunsod ng COVID-19 protocols. Hataw din sina Daniel Theis ng 19 puntos at Marcus Smart na may 13 puntos para sa ikalawang sunod na panalo ng Celtics.

NETS 98, HEAT 85

Sa New York, umarya ang opensa ng ‘Big Three’ ng Nets para mapawi ang init ng Miami Heat.

Kumana sina All-Stars James Harden at Kevin Durant ng tig-20 puntos, habang tumipa si Kyrie Irving ng 16 puntos para walisin ang two-game match laban sa Heat.