PRIORIDAD ni Jaydee Tungcab ang seguridad ng pamilya sa dedisyon na tangihan ang alok na maglaro sa Japan B League at magdedisyon na sumali sa PBA Drafting.
“Si Papa [Frederick Sr.] at Mama [Janet] ko wala namang work. Ako ‘yung bread-winner. May dalawa pa kong kapatid na mas bata sa akin,” pahayag ng Gilas member.
Dahil dito, nagdesisyon ang Gilas cadet na magsumite ng aplikasyon nitong Lunes ng hapon sa 2021 PBA Rookie Draft.
“Siyempre, una naman sa lahat, lahat ng basketball players sa atin, pangarap maging PBA. Next siyempre ‘yung abroad. Hindi ko naman inexpect na magkaka-opportunity na maglaro abroad,” saad ni Tungcab.
“Pero at least masaya na sana makatungtong sa PBA.”
Ayon kay Tungcab, hindi siya namimili ng team at nakahanda soyang ibigay lahat ng kanyang magagawa upang matulungan ang team na kukuha sa kanya.
Tulad ni Thirdy Ravena, nakatakda sanang makalaro ang 6-foot-2 swingman sa Japan B. League Division II team Koshigaya Alphas, ngunit naunsiyami ito bunsod ng COVID-19 pandemic .
Marivic Awitan