Humihirit ang Social Security System (SSS) sa Kamara na pahintulutan itong magtaas ng kontribusyon para maiwasan ang pagkalugi o pagkawala ng bilyun-bilyong piso mula rito at patuloy na makapagkaloob ng mga biyaya at benepisyo sa milyun-milyong pensioner at miyembro.

Sa pagdinig ng House Committee on Government Enterprises and Privatization, umapela si SSC president at chief executive officer (CEO) Aurora Ignacio sa mga kongresista na ikonsidera ang pagbalam sa contribution rate hike ng mga miyembro nito na nakatakdang ipatupad sa taong ito.

Tinatayang mahigit sa P14 bilyon ang hindi makokolekta ng SSS kapag hindi pinayagan ang pagtataas sa kontribusyon at maglalagay sa panganib sa kakayahang-pinansiyal nito. Ipinaliwanag ni Ignacio sa komite ni chairperson Paranaque Rep. Eric Olivarez, na sa mga probisyon sa ilalim ng House Bills 8304, 8310, 8313, 8315 at 8317, hihina at lalong mahihirapan ang ahensiya sa pagkakaroon ng sapat na pondo lalo na ngayong may Covid-19 pandemic.

-Bert de Guzman
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3