INIIMBITAHAN ng Games and Amusements Board (GAB) ang mga professional athletes, coaches, trainers, sports stakeholders, at sports enthusiasts na makiisa ang makilahok sa "Dugtong Buhay Alay ng GAB" sa PRC Main Office sa Mandaluyong City sa Pebrero 22-27.

Ang naturang programa ay pakikiisa ng GAB sa blood donation program ng Philippine Red Cross (PRC).

“Malaki po ang pangangailangan ng ating mga kababayan, higit at dumaranas ng hirap sa kasalukuyan sa COVID-19 pandemic. Sabi nga ng PRC, ‘A drop of your blood can save and heal someone. Be a lifesaver,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Bukas ang pagpapatala sa GAB office. Maari ring magparehistro sa [email protected] o sa official Facebook account (Games and Amusements Board).
Human-Interest

Paalala ng mommy-vlogger: 'Toys are genderless!'