“I hope you will not get boxed in a particular way.”
Ito ang naging mensahe ni Dr. Teresa S. Encarnacion Tadem, Ph.D., isang political science professor sa University of the Philippines (UP) sa mga batang researchers sa unang webisode ng iShare.
Ang iShare ay isang digital storytelling platform na pinasimulan ng Department of Science and Technology’s National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP), ibinabahagi ng Achievement Awardees ng konseho ang kanilang mga naging pagsubok at tagumpay sa kanilang mga napiling larangan.
Sa pamamagitan ng iShare, hangad ng DOST-NRCP na mas maraming Pilipino, lalo na ang mas batang henerasyon ang matuto at mabigyan ng inspirasyon mula sa tunay na karanasan ng mga Pilipinong siyentista.
“To the young researchers, if you have the luxury to do what you want to do, write what you want to write, and I hope you will not get boxed in a particular way, because you have to write in a particular way, I hope that that opportunity will be open for everyone. It’s not just there. You also look for it,” pahayag ni Encarnacion Tadem.
Sa unang episode ng iShare, ibinahagi ng UP professor ang kanyang naging paglalakbay mula sa pagiging sidetracked sa kanyang orihinal na pangarap na makapagtrabaho sa United Nations, at mahanap ang “comfort and fulfillment” sa paggawa ng pananaliksik at pagsulat, na nag-umpisa sa Third World Studies Center ng UP.
Pagbabahagi pa ni Encarnacion Tadem, ang may akda ng “The Marcos Technocrats,” sa pagbabahagi ng kanyang mga naging karanasan sa pananaliksik sa bansa at abroad, “I learned that the only way I could really learn about that country is to do fieldwork, to interview people from the ground of what they’re really doing to push for the democratization of their development.”
Samantala, kasama si Tadem, si Dr. Anthony SF Chiu, professor ng De La Salle University Manila, ng nagbahagi rin ng kanyang karanasan sa professional networking –isang mahalagang salik sa pag-angat ng career, ang naging main storytellers pilot webisode ng iShare, na nag-umpisa nitong Disyembre, at maaari pa rin ma-access sa pamamagitan ng Research Pod, ang Facebook Page ng DOST-NRCP.
“As children, we were awed by the courage, persistence, compassion, and some magical skills of heroes and heroines, hoping that one day, we will be like them,” pahayag naman ni Marieta B. Sumagaysay, DOST-NRCP’s Director, sa kanyang pagpapakilala sa iShare at pagpapaliwanag kung paanong ang pagkukuwento ay naging malaking bahagi ng buhay ng mga Pilipino.
Ibinahagi rin ni Sumagaysay kung paanong tinitipon sila ng kanyang mga lolo at lola noong bata pa sila at kinukuwentuhan sila ng buhay ng mga taong nagtagumpay at mas naging matatag matapos malampasan ang mga pagsubok ng buhay.
Sa Pebrero 24, mapapanood ang sunod na episode ng iShare, kung saan itatampok ang kuwento ng mga natatanging Pilipino na nagtagumpay sa kanilang mga napiling larangan kabilang sina Achievement Awardees Karlo L. Queaño, Ph.D., geologist sa Ateneo de Manila University at Joyce L. Arriola, Ph.D., professor mula University of Santo Tomas.
-Dhel Nazario