NAGSIMULA na ang mass vaccination laban sa COVID-19 sa United Kingdom, United States, Canada, at ilang pang bansa na unang nakakuha ng milyon-milyong doses ng bakuna para sa kanilang mga tao. Ang mga bansang ito ay una nang nagbayad bago pa makumpleto ng mga kumpanya ng bakuna ang kanilang test at makuha ang apruba para sa kanilang produkto.
“Wealthy nations have bought up enough doses to vaccinate their entire populations nearly three times over by the end of 2021 if those currently in clinical trials are all approved for use,” pahayag ng Peoples Vaccine Alliance, isang koalisyon ng mga organisasyon kabilang ang Oxfam, Amnesty International, at Global Justice Now.
Sa 148th session ng Executive Board ng World Health Organization (WHO) nitong nakaraang linggo, sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na “even as vaccines bring hope to some, they have become another brick in the wall of inequality between the world’s haves and have-nots.”
“Even as they speak the language of equitable access, some countries and companies continue to prioritize bilateral deals… driving up prices, and attempting to jump to the front of the queue,” pahayag ng WHO official. “Most manufacturers have prioritized regulatory approval in rich countries, where profits are higher, rather than submitting their dossiers to WHO for prequalification.”
Sinabi naman ni United Nations Secretary General Antonio Guterres, sa kanyang talumpati sa isang seremonya para sa world’s developing nations sa New York City, na “We need manufacturers to step up their commitment to work with the COVAX facility and countries around the world, in particular the world’s leading economies, to ensure enough supply and fair distribution.” Dagdag pa niya, “Vaccinationalism is self-defeating and would delay a global recovery.”
Maging si Pangulong Duterte ay may katulad na pahayag sa isang pre-recorded speech na ipinalabas sa UN General Assembly noong Disyembre 4: “If any country is excluded by reason of poverty or strategic unimportance, this gross injustice would haunt the world for a long time. It would completely discredit the values upon which the United Nations was founded.”
Nabanggit ni Philippine vaccine czar Calito Galvez Jr. na 80 porsiyento ng coronavirus vaccine supply ng mundo ay nakuha na ng mayayamang bansa. Inaasahan ng Pilipinas na makakukuha ito ng suplay ng tinatayang 22.6 milyong doses ng AstraZeneca vaccine matapos lumagda ang pamahalaan at mga pribadong kumpanya ng isang kasunduan noong Nobyembre 27, 2020, ngunit sa Mayo pa ito maaasahan. Nakakuha rin ang bansa ng kasiguruhan mula sa China at Russia para sa suplay ng kanilang bakuna.
Sa gitna ng mga balita hinggil sa pagkuha ng mayayamang bansa sa halos lahat ng available na suplay ng bakuna sa mundo, isang pag-aaral mula sa International Chamber of Commerce ang nagsabi na maaaring nakuha ng mayayamang bansa sa North America at Europe ang halos lahat ng available na suplay ng bakuna ngunit “No economy will be fully recovered unless the other economies are recovered.” Sa pagkabigo na masiguro na ang mga tao sa developing world ay magkakaroon din ng access sa bakuna, sinisira ng mga lider ng pinakamayayamang bansa ang kanilang sariling yaman, ayon sa pag-aaral.
Inaasahan na makatutulong ang naging pag-aaral upang makapagbigay ng kaunting balanse sa kasalukuyang sitwasyon ng suplay ng bakuna na ngayo’y malaking suliranin ng mahihirap na bansa sa mundo.