HINDI maaabot ng vaccine coverage ang punto na magpapahinto sa pagkalat ng virus sa nalalapit na hinaharap, babala ng World Health Organization (WHO) nitong Lunes kasama ng pahayag ni United Nations (UN) Secretary-General Antonio Guterres na inilalagay lamang ng mundo ang sarili sa mas maraming virus variation sa hindi nito pagsusulong ng bakuna sa mga papaunlad pa lamang na bansa.

“If the rich world doesn’t act urgently to help developing countries get their populations vaccinated, more virus mutations could render the current shots ineffective,” paalala ni Guterres.

“If we believe it’s possible to vaccinate the Global North and forget about the Global South, if we let the virus spread like wildfire in the Global South, it will mutate,” giit pa ni Guterres sa Davos Agenda event nitong Lunes. “And when it mutates, it will come back in a way that vaccines will no longer be relevant.”

Ayon kay Guterres maraming maunlad na bansa ang bumuli ng mas maraming bakuna kumpara sa kanilang pangangailangan at dapat na ilagay “those that will not be necessary at the disposal of developing countries.” Idinagdag din niya na kinakailangang maihanda agad ang licensing para sa mga papaunlad na bansa tulad ng

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Brazil at India, na may “huge capacity of generics,” upang mapabilis ang produksyon ng bakuna.

Hindi aabot sa puntong vaccine coverage ay makapagpapahinto ng transmission sa ‘foreseeable future,’ ayon kay Mike Ryan, pinuno ng WHO emergencies program.

Ang pagtanaw sa eradikasyon ng virus bilang panuntunan ng tagumpay ay mangangahulugan na magdurusa ang mundo, aniya.

“The bar for success is reducing the capacity of this virus to kill, to put people in hospital, to destroy our economic and social lives,”ani Ryan. Dagdag pa niya, hindi pa nga sapat ang bakuna ngayon upang mabigyan ang mga pinaka nanganganib.

Hiwalay rito, inihayag ng WHO officials na kailangang sundun ang rekomendadong intervals ng una at ikalawang shot ng bakuna.

Bloomberg