Isang Caviteño ang naging instant milyonaryo matapos na magwagi sa Lotto 6/42 draw nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gen. Manager Royina Garma, tumataginting na P20,130,966.60 ang maiuuwi ng nasabing mananaya matapos na matagumpay na mahulaan ang winning combination na 05-02-12-26-28-04.

Ang lucky ticket ay binili nito sa Dasmariñas, Cavite.

Upang makubra ang kanyang panalo, kinakailangan lamang ng lucky bettor na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City at magprisinta ng balidong identification card at maging ang kanyang lucky ticket.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Mayroon namang 56 na mananaya na nakahula ng tig-limang tamang numero sa regular lotto na nakapag-uwi ng tig-P24,000.

Ang regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

-Mary Ann Santiago