Posible umanong mangyari ang pag-amyenda sa 1987 Constitution basta limitado lamang ang pagbabago nito sa mga probisyong pang-ekonomiya.

Ito ang reaksyon ni Deputy Speaker Bernadette Herrera.

Dahil dito, kasama na si Herrera sa naidagdag na kongresista na kumbinsidong mayroon pang panahon upang maisagawa ang nasabing hakbang.

“Kilala n’yo naman kami sa Kongreso kung kailangang naming ipasa, ipapasa namin. You’ve seen us how we worked till the wee hours of the morning on a number of occasions to ensure that we pass the national budget. Nagagawa naman namin na magpasa ng batas kung kinakailangan kaya hindi ko siya nakikita na imposible pagdating sa pagbabago ng economic provision ng Konstitusyon,” aniya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ipinahayag niya na pangako ng pamunuan ng Kongreso na magtutuon lamang sila sa pagbabago sa economic provisions ng Konstitusyon katulad ng nakapaloob sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 2, na inakda ni Speaker Lord Allan Velasco.

Hinihiling ng RHB No. 2 na idagdag ang salitang “unless otherwise provided by law” sa ilang section ng Konstitusyon na naglilimita lamang sa “foreign ownership of land, natural resources, public utilities, media, at advertising”.

“No amendment outside RBH No. 2 will be entertained. I will not support any move that is outside RBH No. 2,” sabi ng kongresista.

Matagal na aniya ang nasabing usapin.

“Mahigit 30 years na ang Konstitusyon, napakarami nang antiquated laws that need to be changed to make them attuned with the times,” dagdag pa ni Herrera.

-CHARISSA LUCI-ATIENZA